Kumikirot yung dibdib ko simula kaninang umaga. Minsan magiinhale lang ako tapos mapapayuko na ko sabay hawak sa dibdib sa sobrang sakit. Kasabay nun ang hindi paghinga. Dahil pag huminga pa ko, mas lalong masakit. Nangyayari na to sakin dati pero siguro mga once a day lang. Pero ngayon, halos every 15 minutes, kumikirot. Minsan 5 minutes lang kumikirot na ulit at umaabot ng 15 seconds yung sakit. Hindi ko alam kung ano to. Pero sana wala lang to. Sobrang dami ko nang sakit. Di pa nga gumagaling yung hyperthyroidism ko pero meron nanaman? :( Hindi ako naaawa sa sarili ko dahil alam ko na kaya ko naman. Ayoko lang ng masyado pang maraming gastos. Gumastos sila ng mahigit 10,000 sa mga tests at gamot ko sa hyperthyroidism/goiter weeks ago at nagmistulang pasyalan ko na ang ospital sa araw-araw na pagpunta ko dun. Ayoko nang mangyari ulit yun.
Kung lakas ang pag-uusapan, marami ako niyan dahil malaki ang DIYOS ko. Pero pag mga magulang na kumakayod araw-araw para samin, eh ibang usapan na yun :(